Unibersidad ng Pasipiko
Tulungang mapabuti po ito sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga pagsipi sa mga sangguniang mapagkakatiwalaan. Tandaan lamang po na maaari pong mapagdudahan at matanggal ang mga hindi beripikadong nilalaman. |
Ang Unibersidad ng Pasipiko (Ingles: University of the Pacific, Pacific o UOP ) ay isang pribadong unibersidad na mayroong tatlong kampus na matatagpuan sa Sacramento, San Francisco, at Stockton, California, Estados Unidos. Ito ang pinakamatandang unibersidad sa California, ang unang independiyente at koedukasyonal na kampus pang-edukasyon sa estado ng California, at pareho ang kauna-unahang konserbatoryo ng musika at paaralang medikal sa West Coast ng Estados Unidos.
Itinatag ito noong Hulyo 10, 1851, sa Santa Clara, California, sa ilalim ng pangalang California Wesleyan College . Ang paaralan ay inilipat sa San Jose noong 1871 at pagkatapos ay sa Stockton noong 1923. Bukod sa kolehiyo ng liberal na sining at paaralang gradwado, ang Unibersidad ng Pasipiko ay may mga paaralan ng negosyo, pagdedentista, edukasyon, inhenyeriya, araling internasyonal, batas, musika, at mga agham sa parmasya at kalusugan.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Edukasyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.